TOP BUSINESS IDEAS

TOP BUSINESS IDEAS: PINAKA-MAGANDANG NEGOSYO PWEDE PASUKAN NA DI MALAKI PUHUNAN
Ano magandang simulan na negosyo at top business ideas?

Walang negosyong madaling simulan at palaguin ngunit may mga negosyong sadyang in demand sa ngayon. Kung kaya naman dapat nating malaman kung anu-ano ang mga ito para paglaanan natin ng pansin para sa potensyal na kumikitang kabuhayan. Narito ang iilan sa mga top business ideas:
 



Home-based business:
Merong sandamak-makmak na negosyong maaaring pasukan sa homed-based business. Magandang mamuhunan para sa catering at pagtatrabaho bilang virtual assistant. Ang catering ay madaling palaguin kung magaling kang magluto. May nagki-cater na nagluluto mismo sa bahay ng customer at meron rin namang nagpapa-order. Sa kabilang-banda, merong tinatawag na virtual assistants kung saan sila ay nanatili lamang sa kanilang mga bahay at nagbibigay ng remote services, tulad ng pag-answer sa telepono at pagreresearch para sa client.

Online Business:
Maraming magagandang businesses ang pwedeng simulan online. Halimbawa ang e-commerce, o buying and selling online. Sa pamamagitan ng pagpo-post ng products online ay maaaring makapagbenta sa customers at convenient pa. Kung ikaw ay may likas na galing sa pagsulat, maaari ring mag-blog. Sa pagsulat ng blog, kailangang bihasa sa topic upang makakuha ng readers. At ang blogs ay nagagamit rin sa affiliate marketing para makapag-advertise ng ibang mga services o mga produkto.

Senior Care:
Sa paghaba ng edad ng populasyon, kasabay ring dumadami ang bilang ng matatanda at retirees. Kaya naman hindi na kaila na umusbong ang industriya ng senior care. Isa ang home care sa services ng senior care. Ito ay ang pagbibigay ng serbisyo sa mga matatanda kasabay na ang pag-aalaga sa kanila. Mabenta rin ang real estates sa senior citizens dahil maraming retirado ang bumibili ng mga ito.

“Green Business”:
Dumarami na sa ngayon ang nag-iinvest sa green energy. May report na nagsasabing ang mga kompanya na may kinalaman sa solar power, bio-fuels at batteries ang may pinakamalalaking investments pagdating sa green technology at tiyak ang income.

Services
Dahil puno ng stress ang buhay natin ngayon, naghahanap tayo ng konting ginhawa man lang sa araw-araw. Kaya naman maigi ang negosyo tulad ng spa at pagbebenta ng produktong pampaganda.

Tourism
Maaari rin tayong pumasok sa tourism business. Likas na may magaganda tayong mga tanawin na dapat pagyamanin at pagkakitaan at the same time. Marami tayong mga beaches at eco-tourism spots na talaga namang in na in dahil dala nito ay adventure at excitement para sa lahat.

Coffee Business
Alam nating ang klima ng Pilipinas ay napakainit kaya naman mabilis ang usbong ng mga Coffee Shops. Weird ba ang sinabi ko? Kapag sinabing kape, ang nasa isip natin ay mainit na inumin, pero sa panahon ngayon ay hindi na nalilinya ang kape sa mainit na tubig. Pwede na rin itong pampalamig ng tulad ng Starbucks. Ang negosyong ito ay malakas talaga sa kabataan dahil masarap at nakaka-relax. Ang mga coffee ngayon ay napakarami nang flavors na mapagpipilian at talagang napakasarap kaya naman aliw na aliw ang customers dito.

Tutorials
Ang pagtu-tutor ay magandang business rin na pagkakitaan. Maaari itong part-time o full time. Dahil sa constant na pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa, mas lalo pang lalago ang tutorial business. Pwede pa itong isagawa sa internet o sa mga classrooms. Karamihan sa mga estudyante ay banyaga ngunit likas naman sa atin ang pagiging pasensyoso kaya madali lamang silang i-manage.

Food Business
Tayong mga Pilipino ay ipinanganak na sadyang mahilig sa pagkain. Kaya naman hindi kailanman magiging risky investment ang pagtatayo ng kainan. Pwede rin ikonsider ang pagtatayo ng cake at cupcake shops na perpekto para sa mga espesyal na okasyon.





Wish You a Success in Life,
interior-glossy-silver-lounge-chairs-with-orange-square-table-near-pool-extraordinary-luxurious-home-interior-design-with-fascinating-blue-ocean-background copy11
 
 
 
 
cooltext1168653198


Paano ba yumaman

How To Become Rich

gfhdhdfAng napansin ko lang sa araw-araw at sa dinami dami ng taong tinanong ko, both in person and in the cyber world, iisa lang ang kanilang mga naging kasagutan. When i asked anybody if he wants to get rich, iisa lang ang sinasagot nila. Yes, OO! Gusto daw nila yumaman. Kaya naman naisipan kong magpalabas ng ilang paraan (base na din sa aking masusing pag-aaral at pagkonsulta sa mga eksperto tungkol sa bagay na ito). I want to reveal you the possible ways how we become rich. Isa-isahin natin busisiin, dalirutin at sungkitin ang kung anumang aral na pwedeng pakinabangan.

5 Palatandaan Kung Ikaw Ay May Poor Financial Management

5 Signs You’re a Poor Financial Decision-Maker
5 Signs You’re a Poor Financial Decision
5 Signs You’re a Poor Financial Decision

What behold our future are our present deeds and accomplishments. Kung gagawa tayo ng paraan ngayon, maaaring maganda ang kalalagyan ng iyong kapalaran sa buhay. At kung hindi man at gagawin mo lang ang kabaligtaran nito, asahan mo nang wala rin magbabago sa sitwasyon ngayon. That's the basic rule of life.

In terms of finances, walang sinuman ang makaramdam ng kawalan ng pag-asa - ang pakiramdam ng kapos at alam mo sa iyong sarili na hindi mo kayang bilhin ang isang luho. Kung lahat man tayo ay mayroon pagpipilian, Walang sinuman tao ang gustong maging mahirap, pero ang kinagawiang buhay ang maaaring magdala sa ating mga layunin.

Kasalanan Bang Mamatay Na Mahirap?

 Kasalanan Bang Mamatay Na Mahirap?


May nakita ka na bang matandang puti na lahat ang buhok na nagtitinda sa mga overpass? Matandang tila wala ng lakas sa kapayatan na naglalako ng sampaguita sa mga simbahan o kalsada? matandang nakasalampak sa lupa, baluktot ang likod na may katabing lata?

Anong ang naramdaman mo?

Nakaramdam ka ba ng awa at kirot sa iyong puso? Ano ang ginawa mo? bumili ka ba ng itinitinda nila o nagbigay ka ba ng limos?

Pinoy Retirement Mistakes

  Pinoy Retirement Mistakes

 
Nakakalungkot isipin, na marami sa ating Pilipino ang nagkakamali sa retirement planning at ang problemang pang-pinansyal  na nagdidikta sa kung paano mamuhay ng sagana at paano bigyan ng magandang mamumuhay ang ating pamilya. Pero huwag mag-alala, dahil hangga't marami ka pang panahon  at oras, there’s something workable about your situation. Kailangan mo lang maging bukas sa lahat ng opportunidad na dumadaan sa ating buhay,Ang problema ay ang karamihan sa ating mga pinoy ay hindi na rin talaga pina-prioritize ang retirement planning.

Narito ang ilang mga pagkakamali na palaging nangyayari pagdating sa usaping pagreretiro: