How To Become Rich

When
it comes to financial sustainability, para sa akin, 2 lamang ang klase
ng tao sa mundo - EMPLEYADO o NEGOSYANTE at sila ay nahahati sa apat na
klase. Maaring ikaw, ako o tayong lahat ay nabibilang sa isa sa mga
sumusunod:
- Employed - ito yun mga taong yumayaman dahil sa nakatagpo sila ng magandang companya at matinong employers. Sila din yun mga taong kadalasan at mga nakatapos ng pag-aaral at umabot hanggang sa pinakamataas na antas katulad ng mga engineers, nurses, medical practitioners or in short mga professionals. Madami ang yumayaman sa grupo na ito pero ang napapansin ko, pag edad na ang pagbabasehan, walang yumaman na nasa 30 years below sa grupo na ito. Kadalasan, nasa 45-55 ang age bracket ng mga mayayaman na professionals.
- Self-employed - sa grupo naman na ito nabibilang ang mga taong may maliit subalit sapat na kapital para makapagsimula ng isang maliit subalit sapat na negosyo. Sila yun mga tao na naghahanapbuhay para sa mga sapat-sapat lang na bagay. Meron din mangilan ngilan sa kanila na yumaman, pero mabibilang mo lang sila in reality. Katulad ng mga employee, pag hindi sila nagbanat ng buto, pag umabsent sa tinatrabaho nila o di kaya nagkasakit ng di sinasadya at unexpectedly, apektado ng bonggang bongga ang kanilang source of income. Sabi nga, NO WORK NO PAY.
- Businessmen - tinatawag din silang mga "entrepreneurs" Sila ang mga taong willing magsakripisyo ng pagud at panahon para lamang sa inaasam asam na negosyo. Sila ang mga walang takot mag-fail at malugi. Sila din ang mga taong may malalaking puhunan at kapital para sa mga malalaking negosyo.
- Investors - ito naman yun mga taong hindi na kailangan magtrabaho pa para mabuhay. Hindi na nila kailangan magkapagud para kumita ng pera. Sila ay may mga sapat na salapi na at resources para i-invest na lamang sa anumang negosyo, malaki o maliit, na maiibigan nila. Hindi na sila nagwowork para sa pera kundi ang pera na nila ang nagtratrabaho para sa kanila.
Sa apat na klase na nabanggit ko, almost 90%
ng mga kilala kong mayayayaman at wala sa grupo ng mga empleyado. 90%
ng mga mayayaman sa Pilipinas at sa buong mundo ay mga NEGOSYANTE. tama
di ba?
At nais ko din iladlad ang mga dahilan kung bakit yumayaman ang isang tao, empleyado man o negosyante. Lahat ng taong yumaman,
- May kakaibang idea o invention. Ginagamitan ito ng talino. Si Alfred Nobel, kaya sha yumaman ng bonggang bongga ay dahil sa siya ang nakaimbento at nakaisip ng idea ng dinamita. Look at Bill Gates and Steve Jobs. Wag na tayo lumayo, take for example Mark Zuckerberg, na isa sa pinaka-mayamang tao sa mundo ngayon. Bakit sila mayayaman? Simple lang, Because of their unique idea and invention. Hindi dahil sa matalino sila, pero ito ay dahil iba silang mag-isip. Inuulit ko, kung meron kang idea na katulad ng sa idea nila. Yun unique. yun kakakiba. yun pang-masa at necessity in life... pag meron ka nun, mayroon kang possibilidad na yumaman.
- May sistema na ginawa. Wala akong kilalang tao na yumaman ng bara-bara lang ang kilos. Wala akong nakitang yumaman sa tsambahan. Wala akong nakitang taong yumaman dahil sa swerte lamang. E pano yun tumama sa lotto o nanalo sa raffle ng sweepstakes? Para sa akin, hindi yun swerte. Kahit papano may effort pa din sila. Nun tumaya sila, nagsakripisyo, nag-isip ng combination ng numero, namuhunan (isipin mo na lang kung kung maiipon, ilang libong piso ang pinuhunan nila sa kakataya), at nag-take risk sa pagbabasakali na manalo. Inuulit ko, hindi yun swerte. Ang swerte e yun tumama sila sa lotto o nabunot sila sa raffle nang hindi man lang sila ng be-bet o tumataya ng kahit ano. Pag yun ang nangyari, maniniwala na ako sa swerte. Lahat ng yumaman at patuloy na yumayaman, may plano at sistema na sinusundan.
- May sipag at tiyaga. Wala akong kilala o nabalitaan man lamang na yumaman dahil sa katamaran at sakit sa bato. Yes, walang batugan na yumaman pwera na lamang kung ipinanganak kang mayaman at napamanahan ng sangkaterba, ibang usapan na ito. Pero sabi nga nila,“Ang katamaran ay katumbas ng Kahirapan”
- May determinasyon at katatagan ng loob. Kapag mahina ang iyong loob at di matatag ang iyong determinasyon at paninindigan, sa munting pagsubok at pagkabigo ay madali kang sumuko, nakakasiguro ako na hindi ka mayaman at kailanman hindi ka yayaman.
Tayong
mga Pilipino, likas naman sa atin ang masisipag. Matiyaga din halos
lahat ng Pilipino. Sa katunayan nga ang mga empleyado 5 a:m pa lang
bumabangon na at gumising para makapasok at pagdating ng 8 a:m nasa
opisina na sila at halos late nang umuwe ng bahay kasi madalas na nag-o
overtime.
Simbolo
ng kasipagan ang mga Pilipino. Larawan ng katyagaan ang mga kababayan
natin partikular ang mga magsasaka at anino ng katapangan ang mga OFW
natin.
Pero
bakit naglipana pa din sa atin ang mga mahihirap? Bakit lantaran ang
hagupit ng kahirapan? Determinado naman at matatag ang loob natin kitang
kita nga ito sa panahon ng mga kalamidad at pagsubok, nakangiti pa din
ang mga Pilipino.
Madami
din sa atin ang may kakaibang idea at pangmasang inventions. Napakadami
din ng mga OFW na ang idea nila ay makukuha ang pagyaman sa
pagtratrabaho sa ibang bayan. Pero bakit madami pa din ang mahihirap.
Kung
isa kang empleyado, malamang nangangarap ka din ng isang buhay na
masarap. Yun future na panatag at matatag. Yun hinaharap na malaya na sa
hirap. Marahil naghahangad ka din na matupad ang iyong mga pangarap at
matikman ang kanilang sarap.
Pero
paano nga ba yumaman? May pag-asa pa bang yumamang ang mga katulad
natin ordinaryong Juan dela Cruz lang? Paano nga ba yayaman ang isang
taong hindi naman negosyante? Tulad ng sinabi ko, 2 lamang ang klase ng
tao sa mundo - EMPLEYADO o NEGOSYANTE.
Now who would you think have the ability to become rich?...
Pero
hindi mo rin naman kailangan maging negosyante. Para sa akin, kung wala
kang kakaibang idea o invention, kung kulang ang iyong determinasyon at
tatag ng loob, HINDING HINDI KA YAYAMAN.
Pero
paano ang pangarap mong yumaman? Paano na ang sagot mo kanina sa tanong
ko na gusto mo bang yumaman? Ibabaon mo na lamang ba sa lusak ang mga
pangarap na masarap?
Kaibigan,
ako ay may natutunan sa aking karanasan. Mali pala ang umasa lamang sa
iyong sariling kakayanan. Natutunan ko na hindi pala sapat ang aking
nalalaman. Napag-alaman ko na pwede rin pala akong yumaman kahit hindi
ako negosyante o investor. Natutunan ko din, na walang empleayado ang
yumaman at one in a million ang chance na yayaman ang isang
self-employed.
Pero
alam ko kung papano yayaman kung meron kang susundin na SISTEMA. At ito
ang aking natutunan. Hindi lang basta sistema, proven na effective pa.
marami na kasi ang nakagawa na ng sistema na ito. Madami na ang yumaman
at mas lalung dumadami pa ang payaman dahil lamang sa munting pagsunod
sa sistemang ito.
Gusto mo ba itong malaman kung paano?
Gusto mo bang matutunan ang sikreto ng sistemang ito?
Tutok lang kaibigan... malapit mo na itong mabasa at matunghayan...
Sundan...
I look forward to seeing you to success,


Connect with me on Facebook

- See more at: http://crizsoloria.com/kasalanan-bang-mamatay-na-mahirap/#more-3868


Connect with me on Facebook

- See more at: http://crizsoloria.com/kasalanan-bang-mamatay-na-mahirap/#more-3868
Wish You a Success in Life,

I look forward to seeing you to success,


Connect with me on Facebook

- See more at: http://crizsoloria.com/kasalanan-bang-mamatay-na-mahirap/#more-3868


Connect with me on Facebook

- See more at: http://crizsoloria.com/kasalanan-bang-mamatay-na-mahirap/#more-3868
I look forward to seeing you to success,


Connect with me on Facebook

- See more at: http://crizsoloria.com/kasalanan-bang-mamatay-na-mahirap/#more-386


Connect with me on Facebook

- See more at: http://crizsoloria.com/kasalanan-bang-mamatay-na-mahirap/#more-386
No comments:
Post a Comment