Kasalanan Bang Mamatay Na Mahirap?

May
nakita ka na bang matandang puti na lahat ang buhok na nagtitinda sa
mga overpass? Matandang tila wala ng lakas sa kapayatan na naglalako ng
sampaguita sa mga simbahan o kalsada? matandang nakasalampak sa lupa,
baluktot ang likod na may katabing lata?
Anong ang naramdaman mo?
Nakaramdam ka ba ng awa at kirot sa iyong puso? Ano ang ginawa mo? bumili ka ba ng itinitinda nila o nagbigay ka ba ng limos?
Kung "Oo" ang sagot mo, marahil ay isa kang maka-lolo o maka-lola. O
dumadaloy pa rin sa dugo mo ang pagiging isang tunay na Pilipinong may
paggalang sa nakatatanda at pakiki-pagkapwa.
Sabi ng mama ko noon, huwag na huwag daw naming kalimutang magbigay ng
tulong sa tuwing makakakita ng ganun. Mas mabuti na kami ang nagbibigay
kaysa binibigyan.Gayundin ay ang pagpapaalalang pangalagaan ang kung
anong meron kami para sa hinaharap upang hindi matulad sa SINAPIT nila.
Noong akoy nag-aaral pa, naging kakwentuhan namin ang isang professor
namin at napag-usapan ang tungkol sa isang Matandang Pulubi. Ang ilan sa
amin ay nagbigay, at naitanong namin kung dapat nga ba silang Kaawaan?
Ang sagot ng professor, "HINDI DAPAT". Of course
natahimik kami lahat sa sinabi niyang yun, then nagsimulang bumagsak
isa-isa ang mga mukha namin at nagbulungan. Lahat ay may violent
reaction. Hindi namin inaasahan na manggagaling ang mga salitang iyong
sa isang matalinong professor at alam naming mabuti siya, at tinitingala
ng lahat ng estudyante at guro.
Ngunit bago pa man mag-init ang mga ulo namin sa narinig, nagsimula siyang magpaliwanag.
"Maaaring kaawaan sila sa dahil sila ay matanda na sila pero hindi
sila dapat kawaan dahil sa kanilang sitwasyon. Dapat kaya na nila ang
sarili nila at dapat ay napaghandaan na nila ito noon pa lang mga
malalakas pa sila. Bakit ko sinabi ito? Binigay na sa kanila ng Diyos
ang lahat ng pagkakataon at opportunidad sa buhay para pangalagaan,
pagyamanin at paghandaan kung sakaling dumating ang ganitong sitwasyon.
Nabuhay sila ng ilang DEKADA nang hindi man lang naayos o napaghandaan
ang buhay na sasapitin nila."
At mas lalong natahimik kaming lahat. May punto ba si Prof ?...
Hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo
na kung mamatay ka pa ring mahirap. Ibig sabihin, ilang taon kang
nabuhay, pero itanong mo sa iyong sarili... Ano ang iyong ginawa?. Marami
naman tayong napapanood, nababasa at naririnig na kwento ng pakikibaka
ng mga taong nagmula sa kahirapan pero pinipilit makaahon at makarating
sa rurok na kanilang kinalalagyan ngayon. Nasa iyong mga kamay ang lahat
ng pagkakataon, gagamitin mo na lang ito upang kunin ang chance mo.

Kung
babalikan ang nakaraan, marahil sila yung mga hindi nag-aral ng mabuti
sa eskuwela. O di kaya'y dating mga may sinabi sa buhay na ibinuhos ang
lahat ng pera sa karangyaan sa mga walang kabuluhang bagay. O maaari din
namang naging mahina lamang sila sa mga pinagdaanang pagsubok ng buhay
kaya't tuluyang nasadlak sa putikan. O pwede rin namang maraming
nagdaang opportunidad pero hindi nila ito pinansin. O maaaring sumabay
na lang sila sa Agos ng kanilang buhay, kawalan ng pag-asang makaahon.
Pwede rin biktima lang sila ng pagkakataon, isinilang ng mga magulang na
walang sariling tahanan at maski mga sarili ay hindi kayang pakainin.
Mga taong namamalimos rin at naiiraos lamang ang pang araw-araw na
pamumuhay mula sa kaunting baryang tulong ng mga taong nakakasalubong
nila sa daan.
Nakakaawa? Siguro nga. Gayunman, nararapat lamang na tulungan natin sila
sa mga huling sandali ng kanilang buhay at gamitin ang mga kwento nila
bilang paalala na hindi natin dapat aksayahin ang mga pagkakataon na ibinibigay sa atin ng kapalaran.
Hind mahalaga kung pinanganak kang mahirap o mayaman. Life is
an Equal chance of opportunity, ang mahalaga sa buhay ay kung paano ka
susulong at kung paano ka tumatanggap ng mga pagkakataon upang
paghandaan ang iyong hinaharap.
Isang bagay na kailangan mong suriin sa iyong sarili. First, bakit hindi
nagbabago ang buhay mo kahit doble kayod ka naman sa trabaho. Ano ang
mali at ano ang kailangan idagdag? Ang totoo nyan, walang mali sa iyong
ginagawa, kailangan mo lang baguhin ang iyong daily routine dahil kung
alam mong walang mangyayari sa araw-araw mong ginagawa, yan ang
kailangan mong pag-isipan mabuti. Second, you have to adopt how to think
like a RICH People. Kaya magkakaiba ang kalagayan ng buhay ng tao is
how the way we think in life.
Paano nga ba yumaman ang mga RICH People? Wealth is a product of man's
capacity to think. anuman tayo ngayon ay resulta ng kung ano ang nasa
isip natin.
This 7 series article "The Rich Mind" will change your life.
Kailangan mabasa ito kung ikaw yung taong determinadong umasenso:
Dedicated to your Success,


No comments:
Post a Comment